NAGSAGAWA ang Philippine Sports Commission (PSC) ng  COVID-19 swab testing para sa kanilang mga frontliners at mga empleyadong salitan na pumapasok sa Rizal Memorial Sports Complex nitong Huwebes ng umaga.

KABILANG si Manny Bitog, head of the PSC's front-line personnel, sa mga dumaan sa swab testing.

KABILANG si Manny Bitog, head ng PSC's front-line personnel, sa mga dumaan sa swab testing.

Isang swabbing area ang inilagay ng PSC sa labas ng gusali nito sa Manila at Philsports sa Pasig City, na pinamahalaan ng kanilang Medical Scientific Athletes Service (MSAS) Unit.

Kabilang sa mga dumaan sa nasabing swab testing ay  mga security, medical at skeleton workforce  ng nasabing ahensiya lalo na ang mga pumapasok simula pa noong mag lockdown.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“This is one of the efforts of the PSC in ensuring the safety of our employees,” ayon kay MSAS-OIC Ellen Constantino.

Kabuuang 100 personnel ang nakatakdang sumailalim sa nasabing swab testing simula Hunyo 25 hanggang Hunyo 29.

Kabilang din sa sasailalim dito at ang 50 frontliners sa Philsports Complex sa Pasig  sa Hunyo 26, kasama ang 18 atleta at apat na coaches na naninirahan ngayon sa dormitoryo ng PSC.

“We hope to provide more swab testing for all PSC workforce,” ayon pa kay   Constantino.

Samantala, bakante na ang Ninoy Aquino Stadium (NAS),  na ginamit bilang isa sa mga “We Heal as One Centers” para sa mga pasyente ng  COVID-19 .

Sa mga susunod na araw ay sisimulan na ang inpeksyon at paglilinis sa mga nasabing sports facilities sa oras na mapauwi na ang iba pang pasyente na nakahimpil ngayon sa  Rizal Coliseum at Philsports Multi-purpose. ANNIE ABAD