SA bansang Austria na idaraos ang FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament na nauna ng ini-reschedule ng Mayo 2021.
Base na rin sa anunsiyong ginawa ng FIBA kahapon, ang 3x3 OQT ay idaraos na sa Graz, Austria.
Kakatawanin ang bansa at pagsisikapang makamit ang isa sa tatlong slots na nakataya sa nasabing kompetisyon nina CJ Perez, Mo Tautuaa, Joshua Munzon at Alvin Pasaol.
Ang Pilipinas ay kabilang sa Group C, kasama ng Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.
Kinakailangan nilang tumapos sa top two ng kanilang grupo upang umusad sa playoffs 20-nation competition. Ang OQT ay orihinal na nakatakda noong nakaraang Marso sa Bangalore, India bago ito ipinagpaliban dahil sa COVID-19 pandemic na naging dahilan din ng pagkakaurong ng 2020 Olympics sa Hulyo 2021.
Pasok na sa inaugural men's 3x3 tournament sa Tokyo Olympics anJapan, China, Russia at Serbia. MARIVIC AWITAN