Final Standings:

High School Division:

Champion - Jasper Faeldonia of Arellano University

2nd Place- Jerome Angelo Aragones of University of Perpetual Help System Dalta

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

3rd place -Jave Mareck Peteros of University of San Carlos Cebu

Elementary Division:

Champion: Franiel Magpily of Makati City

2nd Jerick Faeldonia of Legarda Elementary School

3rd James Catayas of Davao City

NAKOPO ni PH chess wizard Jasper Concepcion Faeldonia ang overall championship trophy matapos magkampeon sa Happy 1st Month Gabriel Neri Online chess tournament na ginanap nitong weekend sa

lichess.org na matagumpay na inorganisa ni De La Salle University coach Susan Grace Neri.

Ang 15-anyos na si Faeldonia, incoming Grade 10 student ng  Arellano University na nasa ilalim ng kandili ni coach National Master (NM) Rudy Ibanez, ay nangibabaw laban sa mga batang chess players sa bansa.

Hindi muna naging maganda ang pagsisimula ni Faeldonia matapos matalo kay University of San Carlos-Cebu ace Jave Mareck Peteros sa round 2 subalit nakabalik sa kontensiyon na nagmarka ng limang sunod na panalo  kasama na kay 2nd placer Jerome Angelo Aragones ng University of Perpetual Help System DALTA para maiuwi ang korona sa High School Division.

Ito ang ika-2 tagumpay ni Faeldonia ayon sa kanyang ama at personal coach na si Engr. Ernie Fetisan Faeldonia matapos manguna sa Arellano University Chess Team ranking nitong Huwebes at impressive 5th place finish sa very strong field na nilahukan ng mga Chess Masters nitong Biyernes sa Baby Uno Chess Challenge.

Bida ang kanyang nakababatang kapatid na si Jerick, board 1 player ng Legarda Elementary School na 2nd place sa elementary division matapos makakolekta ng 6 wins at bukod tanging pagkatalo sa kamay ni eventual winner Franiel Magpily ng Makati City.