MAGING sa eSports basketball napatunayan ng Pinoy ang dominasyon sa Southeast asia.

Nakompleto ng E-Gilas Pilipinas squad ang 5-0 sweep kontra Indonesia noong Linggo ng gabi sa unang FIBA Esports Open.

Muling inilampaso ng E-Gilas ang mga Indonesians, 71-35,upang ganap na mawalis ang series kung saan naitala nila ang average winning margin na 30.8 points per game.

Ngunit kumpara sa naunang apat na laro, naging dikit at dikdikan ang laban sa unang sampung minuto kung saan nakalamang ang mga Pinoy ng anim, 22-16.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinagpatuloy ni Rial Polog Jr. ang pagbida sa ikatlo at ika-apat na laban nang pangunahan nito ang 24-7 na pag-alagwa ng E-Gilas sa third quarter upang palobohin  ang kalamangan.

Tumapos si Rial na may 25 puntos, kasunod si Custer "Aguila" Galas na may 17 puntos at si Aljun "Shintarou" Cruzin na may 15 puntos at 5 assists.

Ang panalo, ang pinakamalaking bentaheng naitala ng E-Gilas kontra Indonesia sa loob ng limang laro.

Wala pang pasabi mula sa FIBA kung sino ang susunod na kalaban at kailan ang ikalawang serye ng FIBA Esports Open.

MARIVIC AWITAN