MAGING sa virtual skateboarding, asahan ang atletang Pinoy.

Nangbabaw ang husay si Asian Games gold medalist at Olympic hopeful Margielyn Didal sa women's division ng unang Asian Skateboarding Championships 2020 online skate.

Kasama niyang nagwagi sa online video tournament ang kapwa Cebuano na si Motic Panugalinog na siya namang nangibabaw sa men's class.

Nakapagtala s Didal ng score na 8.00 upang magkampeon sa women's class kung saan tinalo niya ang pinakamahigpit nyang nakalaban na sina  Yurin Fujii (7.50) ng Japan at  Orapan Arwen Tongkong (7.46) ng Thailand.

Eleksyon

ACT-CIS, Duterte Youth, PPP, at 4PS, nanguna sa 2025 Party-List Survey

Nakakuha naman si Panugalinog ng iskor na 8.92 upang makaungos kina   Basral Graito (8.34) ng Imdonesia at Firas Ahmed Al-Hinai (8.34) ng Oman.

Kapwa nagwagi sina Didal at Palugalinog ng tig- $250 para sa month long event na inilunsad nitong nakaraang buwan.

May kabuuang 162 video entries ang dumaan sa masusing deliberasyon

ng mga skate judges mula sa iba't-ibang panig ng mundo.

Isinagawa ang lockdown event para mapanatiling aktibo at "creative" ang mga skateboarders sa gitna ng pandemic. MARIVIC AWITAN