MAGING sa on-line duel, dominate ang Gilas Pilipinas sa Indonesian rival.

Sa pagsisimula ng kauna-unahang FIBA Esports Open nitong Biyernes, nadomina ng Pinoy key board warriors ang Indonesian squad, 2-0.

Ni hindi nakaporma ang mga Indonesians kontra sa Pinoy starting five na binubuo nina point guard Aljon "Shintarou" Cruzin, shooting guard Rial "Rial" Polog Jr., small forward Custer "Aguila" Galas, power forward Clark  Banzon at center Philippe "Izzo" Herrero IV.

Naglaro sa ilalim ng ProAm 5 versus 5 rules, kinontrol ng bawat national squads ang mga nilikhang player characters sa loob ng apat na tig limang minutong quarters ng laro.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinangunahan ni Shintarou ang nasabing dalawang panalo ng mga Pinoy sa itinala nitong 22 puntos sa kanilang 56-29 na panalo sa Game 1 at  21 puntos sa 64-30 tagumpay sa Game 2.

Ang kanilang team chemistry at experience dahil na rin sa tagal na ng kanilang pinagsamahan ang naging malaking bentahe ng E-Gilas squad.

Puna ng mga Fiba commentators, mas mature ang level ng NBA 2K scene sa Pilipinas kumpara sa kanilang mga kapwa Southeast Asian counterparts.  MARIVIC AWItan