IGINIIT ni Philippine Bowling Federation (PBF) Secretary General  Bong Coo na malaki ang maitutulong ng National Academy of Sport (NAS) para sa mga susunod na henerasyon ng mga atleta ng bansa.

Sinabi ni Coo, bowling Hall-Of-Famer, na malaki ang maitutulong ng pagsasabatas ng NASA para sa mga kabataang nais na maging world-class atleta at magpatuloy sa pag-aaral.

"'Yung National Sports Academy ay isang magandang simula. Mas maganda lalo na kung makakapagsanay tayo ng mga bowlers. Sa totoo lang mahirap talaga pagsabayin ang eskwela at ang training. So itong Sports Academy na ito ay makakatulong para magabayan ang mga Athletes natin," ayon kay Coo.

Ayon sa kanya, madaragdagan ang magagaling na atleta sa bansa sa tulong ng NAS at mabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Maraming magagaling na atleta, maraming may potential. Lalo na sa Bowling. Ang bowling kasi is anybody's game so talagang you really have to train hard," aniya.

Kasabay nito, pinasalamatan din ni Coo ang proyekto ng PSC na National Training Center na kung saan y maaring magamit ng mga atleta sa kanilang pagsasanay.

Samantala, ayon kay Coo, nagpalabas na ng kanilang guidelines ang PBF para sa community quarantine, na kanilang ipinasa sa Philippine Sports Commission (PSC).

Gayunman ay naghihintay pa rin sila na maaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) upang maipatupad sa lahat ng mga mieymbro ng PBF pati na sa mga bowling centers.

"Nagsubmit na kami ng guidelines sa PSC pero wala pang sagot. Hinhintay lang siguro nila ang Task Force. Kapag napprove 'yun yan na ang ipapatupad namin sa PBF at sa lahat ng bowling centers," ani Coo.  ANNIE ABAD