PINATUNAYAN ni  Fide Master David Elorta kung bakit isa siya sa pinakamabilis na Filipino chess players ngayon matapos magkampeon sa second edition ng Baby Uno Chess Challenge Free Registration Online Blitz Tournament sa lichess.org nitong Linggo.

Nakalikom si Elorta ng 12.5 puntos mula  sa 11 wins, three draws at 1 loss sa 15 rounds Swiss system na ipinatupad ang time control format na three minutes plus two seconds increment.

Sumegunda naman si Grandmaster Darwin Laylo na may undefeated score 12 points  mula 9 wins at 6 draws.

Nagpakitang gilas din sina Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr., International Master (IM) Marvin Miciano , youthful Jasper Faeldonia, Eric Mordido at kiddie player Jeremy Marticio na magkakasalo sa 3rd place na may tig 10.5 points subalit nakopo ng una ang puwesto dahil sa mas mataas na tie break points sa event na sinuportahan nina Seaman Chief Engr. Julio V. Trunio Jr., Jubail Kingdom of Saudi Arabia based Mr. Jimmy Reyes, PECA president Dr. Fred Paez, Chief PSSUPT. Jaime Osit Santos, Sportsman Mr. Kim Zafra, Engr. Ernie Faeldonia, Auckland New Zealand based Mr. Jun Isaac, Former NCFP Director Ed Madrid, Dr. Jenny Mayor, Mr. Ron Demain, Mr. Mc Daniel Ebao at Pretty Zada Skincare Product.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Si GM Antonio ang inaugural champion.

Nakapasok din sa top 10 ay sina Jhulo Goloran (10 pts.), Thotiebar Alejano (10 pts.) at Fide Master Alexander Lupian (10 pts.). Mga nakatangap naman ng special awards sa torneong ito na sinuportahan din ng Philippine E-9 Chess Club sa South Korea na kinabibilangan nina Mr. Jun Jun Jabay, Mr. Norwin Altez Marasigan, Mr. Ruel Gomez, Mr. Recca Carcueva, Mr. Don Ken Calendario, Mr. Lando Balao Jr. at Mr. Wilson Valenton ay sina NM/engr. Robert Arellano (Top PECA executive), AGM Marlon Bernardino (Top media), Jeffrey Pascual (Top Pampanga), Queenie Mae Bunaos Samarita (Top Lady) at Percel Sandreho (Top kiddy 11 years old and below).

Ang third edition ng Baby Uno Chess Challenge, Free Registration Online Blitz Tournament ay tutulak ngayon Biyernes (Hunyo 19, 2020) dakong 8pm sa lichess.org.