SA gitna ng pakikipaglaban sa pandemic COVID-19, patuloy na mapapanood ng Pinoy K-Pop fans ang pinakahihintay na KCON.
Sa pakikipagtambalan ng Shopee, ang nangungunang e-commerce platform sa Southeast Asia at Taiwan, at CJ ENM, ang premyadong entertainment and lifestyle company sa Asia, itatanghal ang pinakahihintay na KCON -- ang pinakamalaking Korean culture festival.
Tinaguriang KCON: TACT 2020 Summer Concert, ang naturang event na itatanghal sa ikasiyam na taon ay mapapanood online sa unang pagkakataon. Inaantabayanan ng Pinoy fans ang KCON. Ang Shopee ang magiging official livestream partner.
Ang KCON:TACT 2020 Summer ang highlight ng Shopee Live K-pop Fest na nagsimula na nitong Hunyo 10. Sa pakikipagtulungan kasama ng CJ ENM, target ng programa na matugunan ang lumalaking demand para sa online entertainment sa gitna ng ipinapatupad na ‘social distancing’ batay sa general community quarantine (GCQ) sa bansa.
Ilan sa mga sikat na grupo na lalahok sa event at mapapanood sa Shopee Live ay ang GFRIEND, (G)I-DLE, ITZY, MONSTA X, at Stray Kids. Marami ring K-pop themed streams at challenges ang dapat abangan.
“Shopee is proud to be the exclusive partner of CJ ENM to stream KCON:TACT 2020 Summer to fans in Southeast Asia and Taiwan for the first time, as part of Shopee Live K-pop Fest. This partnership builds on our efforts to connect people through entertainment and shared experiences, and comes after a series of successful collaborations with K-pop stars. Shopee Live K-pop Fest and KCON:TACT 2020 Summer reflect our commitment to meet evolving needs, as people around the world stay home and turn to online entertainment. We look forward to more exciting collaborations with CJ ENM in the future,” pahayag ni Agatha Soh, Head ng Regional Marketing sa Shopee,
“KCON is the largest festival of Korean culture in the world. Bringing the festival online, we have lined up an amazing experience for KCON:TACT 2020 Summer including interactive events with state-of-the-art technology, a star-studded concert lineup, and more. We are excited to go above and beyond what fans have experienced so far, and we are excited to partner with Shopee for fans in Southeast Asia and Taiwan to join the festival,”pahayag naman ni Don Kim, General Manager ng Global Festival sa CJ ENM
Mula Hunyo 10 hanggang 26, maaaring abangan ng avid K-pop fans ang iba’t ibang K-pop streams, games and challenges:
- Exclusive appearance ng popular K-pop idols na WJSN and Weki Meki sa Shopee Live ng 8PM (GMT +8) sa June 10 at 15. Puwede rin ma-enjoy ng users ang first-hand access sa groups na ito na nag-ready ng exciting performances, interviews, games, at marami pang iba.
- May K-pop themed challenges din araw-araw para sa fans kung saan pwedeng patunayan ang kanilang kaalaman sa K-pop, mag-bihis tulad ng kanila mga K-pop idols at iba pa. Ang mananalong fans ay makakatanggap ng premyo gaya ng vouchers at signed merchandise mula sa kanilang mga idolo.
Ang grand finale ng Shopee Live Kpop Fest ay ang screening ng KCON:TACT 2020 Summer sa Shopee Live mula Hunyo 20 hanggang 26. Maaaring abangan ng mga K-pop fans ang isang buong linggo ng kasiyahan, live concerts at interviews ng mga sikat at malalaking pangalan sa mundo ng K-Pop tulad ng GFRIEND, (G)I-DLE, ITZY, MONSTA X, at Stray Kids.
Tunghayan ang mga updates tungkol sa KCON:TACT 2020 Summer and Shopee Live Kpop Fest sa http://shopee.ph/m/live-kpop-fest. I-download ang Shopee app for free sa App Store o Google Play.