Ni Jonas Terrado

UMANI ng batikos mula sa local coaches ang mga naging pahayag ni American coach Tab Baldwin. At possible siyang maharap sa ‘sanctioned’ mula sa Philippine Basketball League (PBA).

Nakatakdang mag-usap sina PBA Commissioner Willie Marcial at ang kontrobersyal Gilas Pilipinas coach upang talakayin ang tila pagyurak ni Baldwin sa kakayahan ng  Pinoy coach na inilarawan niyang “tactically immature.”

Tab Baldwin

Tab Baldwin

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ayon kay Marcial, kukunin niya ang personal na saloobin ni Baldwin sa kanilang pag-uusap via Zoom conference bago magbaba ng desisyon laban sa assistant coach ng TNT KaTropa.

Nauna nang naipahayag ni Marcial na mahaharap sa ‘fined’ si Baldwin dahil sa kanyang naging pahayag na direktang paglapastangan sa kakayahan ng Pinoy coaches sa  kanyang naging pahayag sa isang Podcast event nitong Huwebes.

Itinaas ng kilay nina San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua, NLEX coach Yeng Guiao at Basketball Coaches Association of the Philippines President Louie Gonzalez ang naturang pahayag ni Baldwin.

“We are here to protect not just the welfare of the local coaches but also Filipino citizens. Myself, and our former BCAP presidents, (NLEX) Coach Yeng (Guiao) and Coach (Alfrancis Chua, current San Miguel Corporation sports director), will not tolerate this. It is the spirit of nationalism.

“Hindi naman kami papayag na nasa Pilipinas ka tapos aapihin tayo. If malinis talaga puso mo at gusto mo makatulong hindi ka magsasalita ng ganun. You will be responsible enough on the impact of your words and actions. You are a person in authorithy so dapat mas double ingat,” pahayag ni Gonzales, coach din ng Jose Rizal University.

Iginiit ni Gonzalez na ang namayapang si Ron Jacobs, isa ring Amerikano at higit na matagumpay kesya kay Baldwin, ay hindi naging mapang-api sa kakayahan ng local coaches.

“Si former coach Ron Jacobs hindi naman nag-comment ng ganyan, hindi na nga nagdala ng ibang foreign coaches but instead shared his knowledge with his local Filipino assistants coaches, trained them and eventually became champion coaches in both local and international Competitions,” ayon kay Gonzalez.