GAYA ng naunang plano, sa unang quarter na ng taong 2021 idaraos ang NCAA Season 96.

Kahapon sa isang statement na kanilang inilabas, inihayag na ng host na Colegio de San Juan de Letran ang napagkasunduang isasagawa ng liga sa susunod na season.

Sapagkat apektado ang mga miyembrong paaralan ng liga ng coronavirus (COVID-19) pandemic, gaya ng napagkasunduan ay apat na sports na lamang ang idaraos sa Season 96 na binubuo ng mga mandatory sports na basketball, volleyball, swimming at  track and field.

“Season 96, which will have Colegio de San Juan de Letran as host, shall begin in the early months of 2021, subject to the decisions of the government for the favorable conduct of games, while strictly observing proper health protocols,” ayon sa statement na inilabas ng Letran na kapwa nilagdaan nina Season 96 President Rev. Fr. Clarence Marquez OP at Management Committee Chairman Fr. Victor Calvo OP.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Maliban sa apat na sports na nabanggit, dalawa pang bagong démonstration sports ang idadagdag sa mga events para sa susunod na season- ang online chess at esports.

Magiging maluwag din ang  liga sa kanilang patakaran at mga requirements sa eligibility ng mga student-athletes kabilang na ang edad, playing years, enrollment at maging grado ng mga ito ayon sa bagong sistema ng edukasyon na nabago rin dulot ng pandemic.

“The league’s objective of youth development through sports deserves our unequivocal support in order to continue and contribute to the future of our nation and our world,” ayon pa sa pahayag. MARIVIC AWITAN