PINASALAMATAN ng Philippine Sports Commission (PSC) si Pangulong  Rodrigo Duterte sa pagsasabatas ng Republic Act (RA) 11470  na kilala bilang ‘National Academy of Sports Act’.

SINAKSIHAN ni Senator Bong Go ang paglagda ng Pangulong Duterte para maisabatas ang National Sports Academy.

SINAKSIHAN ni Senator Bong Go ang paglagda ng Pangulong Duterte para maisabatas ang National Sports Academy.

Nilagdaan ng Pangulo nitong Miyerkoles ang pagsasabatas ng RA 11470 halos isang buwan matapos itong maratipika ng Kongreso at Senado.

"We are elated to see the hardwork of our leaders in Senate and Congress come to fruition with this law," pahayag ni  PSC Chairman William 'Butch' Ramirez.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Ayon kay Ramirez, nakikiisa ang buong Board na kinabibilangan nina Commissioners  Ramon Fernandez, Arnold Agustin, Charles Maxey at Celia Kiram, sa pagsisikap na matugunan ang pangangailangan ng atletang Pinoy.

Prayoridad ng NAS ang mga atletang produkto ng Batang Pinoy, Philippine National Games (PNG) at Palarong Pambansa.

Nakasaad sa batas na ang NAS ay magbibigay ng "on full scholarship basis",  secondary education sa mga natural-born Filipino citizens na kinukunsiderang may potensiyal sa sports.

Ang curriculum ay ibabatay sa education at special training needs ng mga magiging student-athletes at magbibigay sa kanila ng kalidad na edukasyon habang nag-i-excel sa kanilang sports.

Nakasaad din sa batas ang paglalagay ng main campus ng akademya sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac na itatayo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Kasama din nito ang mandato na pag-oorganisa ng mga nationally-funded regional high schools for sports.

Ang NAS ay itatatag na nakaugnay sa Department of Education (DepEd) kaisa ng Philippine Sports Commission (PSC). Ang kasalukuyang DepEd Secretary ang magiging Chairperson ng Board of Trustees ng NAS.

Magkakaroon din sila ng Executive Director na itatalaga ng DepEd Secretary at siyang magiging pinuno ng NAS at magiging responsable sa administrasyon at operasyon nito.

Pinangunahan ni Senador Win Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture ang bicameral committee na nagratipika sa batas na ini-lobby naman ng mga co-authors at co-sponsors na sina Senador Sonny Angara, Bong Go, at Pia Cayetano.  ANNIE ABAD