BUKOD sa mga empleyado, prioridad ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagbibigay ng COVID-19 testing para sa mga atleta at coaches na nasa national pool bago bumalik sa training.

Nakatakdang simulan ng PSC ang testing sa kanilang mga empleyado sa susunod na linggo partikular yung mga nakatalaga sa  PSC administration building sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila sa tulong ng Philippine Red Cross.

Kasunod ng mga empleyado plano sasailaim din sa "reverse transcription-polymerase chain reaction test" ang mga national athletes at coaches.

“No testing, no work. No testing, no play. That’s our direction,” pahayag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez. “Our priority is to keep everybody—athletes, coaches and employees—safe and healthy.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa unang bugso ng testing, target nilang maipa-test ang kalahati ng kabuuang 350 workforce ng PSC.  MARIVIC AWITAN