HANDA na ang lahat sa pinaka-aabangan na 1st Philippine Arbiter's Standard and 960 (fischer random) Online Chess Championships sa Hunyo 12 sa lichess.org.

Ipatutupad ang NCFP rating batay sa talaan nitong March 2020, ayon kay national arbiter Ely Acas.

"The time control format is two minutes plus two seconds increment. 9 rounds standard and 960 (fischer random) to combine total score for the coveted Grand Champion." sabi ni tournament manager Capt. Ronaldo Banaag, ang Founder/ CEO ng  famous Brotherhood of the Knights Square Table.

Kabilang sina Internartional Arbiter/National Master Wilfredo Neri, International Arbiter James Infiesto at National Master Rudy Ibanez ang nanguna sa listahan ng mga kalahok.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Samantala, tuloy na tuloy na ang Philippine E-9 Chess Tournament kaagapay ang Jeonbuk Bank sa Hunyo 28, 2020 sa South Korea. Ayon kay Philippine E-9 chess club co-founder Mr. Junjun Jabay at Mr. Norwin Altez Marasigan, ang over the board tournament ay bukas sa chess players sa South Korea. Ang Chief arbiter ay si Mr.Junil Choi na license Fide arbiter at ang assistant ay si Mr. Norwin Altez Marasigan.

Limitado sa first 40 participants kung saan tampok ang paglahok nina Joel Carcueva, Ruel Gomez, Jomar Vigo, Wilson Valenton, Ariel Ceneta, Jeferson Marabe, Richard Doronio, Jayward Alaska, Rogen J. luna at Jun Jun Jabay. EDWIN ROLLON