ISA sa mga pinagpipiliang gawin ng pamunuan ng UAAP ang paglipat ng opening ng susunod na UAAP season sa first quarter bilang pag-aadjust sa naging epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay UAAP executive director Rebo Saguisag wala pa namang napagkakasunduan ang Board of Managing Directors (BMD) hinggil sa pagdaraos ng kanilang susunod na athletic calendar.

Sa katunayan, sa susunod na pagpupulong ng board, ang inaasahang unang tatalakayin ay ang mangyayari sa hindi natapos na Season 82 bago ang plano para sa susunod na Season 83 kung saan nakatakdang maging host ang  La Salle gayundin ang eligibility ng lahat ng mga student-athletes.

Marami rin aniyang isinasa-alang-alang ang UAAP bago gumawa ng kanilang desisyon kabilang na dito ang pagbabawal ng pagdaraos ng mga mass gatherings, ang  PSC statement na 'no vaccine, no sports at ang sinasabi ng DepEd na magsisimula ang face-to-face o in-person classes sa Agosto 24 at  Setyembre 1 naman sa CHEd.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

"Again, nothing is final as the goalposts keep shifting. Everything is on the table and the Board of Managing Directors is carefully preparing for many different scenarios which will be presented to the Board of Trustees for approval," ayon kay Sagisag. MARIVIC AWITAN