UNTI-UNTI nang nagbabalik ang nakagawiang pamumuhay ng Pinoy at sinigurado ng Pizza Hut na mapagsilbihan ang mga suki sa muling pagbubukas ng mga outlets sa buong bansa at muling matikman ang paboritong pizza, pasta at iba pang produkto.

pizzza2

Ngunit, dahil sa ipinapatupad na quarantine, matitikman ang paborito ng madla sa pamamagitan ng take-out options sa mga Pizza Hut branch sa Metro Manila at karatig lungsod sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

“Now that more branches are open,  we are eager  to see our customers and we have made certain  we are implementing strict health and safety measures to guarantee  they are protected when they visit our stores,” pahayag ni Pizza Hut marketing manager Lorent Adrias,

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sinisigurado ng pamunuan ng Pizza Hut na mapapatupad ang mga regulasyon ng pamahalaan para malabanan ang COVID-19, sa pamamagitan ng physical distancing sa mga empleyado at mamimili. Inihanda ang mga crew members para sundin ang panuntunan sa preparation, dispatching, at  serving procedures. Regular din ang paglilinis sa bawat kagamitan ng Pizza Hut.

Ipinatutupad ng Pizza Hut ang mahigpit na regulasyon na ‘no mask, no entry’ policy, gayundin ang temperature checks at  hand at footwear sanitation.

Bukod sa ‘take-out options’ tulad ng Click and Collect kung saan puwedeng mag-order Pizza Hut website. May option din na Pizza Hut’s Car Pick-up kung saan ang mga customers ay hinihiling na tumawag sa  8911-1111 para ibigay ang kanilang kailangang produkto.

“We’ve made certain all Pizza Hut stores nationwide provide safe and worry-free options for take-out orders. This is to guarantee customers can have peace of mind whenever they visit any of our branches,” pahayag ni Adrias.

Para sa kompletong listahan ng mga bukas na branches sundin ang https://bit.ly/2LYzVjo. Maaari i-like ang Pizza Hut sa Facebook facebook.com/pizzahutphilippines