HINILING ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham "Bambol" Tolentino na isama ang mga atleta sa bibigyan ng prayoridad para sa bakuna laban sa COVID-19.
“Definitely merong allocation diyan. Ilalaban natin yun na i-priority natin yung sports of course, because of the Olympics. Sa ngayon wala pang guidelines diyan, but we can (definitely) lobby for that because of the Olympics,” pahayag ni Tolentino sa pagbabalik ng PSA Forum sa digital platform.
Aniya, makabubuti ito higit sa mga atleta na kabilang sa sasabak sa 2021 Tokyo Olympics.
“We’re one of those NOCs (National Olympic Committees) that’s hoping for a vaccine, pero mahirap din talaga kung matutuloy tapos wala rin naman palang vaccine. Mabigat yun. Hindi pa natin alam yung guidelines doon, may waiver ba diyan or what,” ani Tolentino.
“Iilan lang naman yan kung ibi-base sa number of delegates at doon sa nag-qualify. Hindi natin pababayaan yung mga atleta natin. Sigurado ako na mapa-priority yung sports because of the Olympics, and it could even be extended to the (2021) Southeast Asian Games," ayon pa sa POC chief.
Sinabi rin niya na malabo nang maantala ang Olimpiyada, higit at may posibilidad na magkaroon ng vaccine bago ang pagtatapos ng taon.
“Last postponement na yun. After that hindi na puwedeng mag-postpone, cancellation na kasunod niyan. Hopefully, were all praying that early next year or late this year, magkaoon na ng vaccine. That will be the only solution na matuloy (ang Olympics),” aniya.
Samantala, patuloy naman na nagsasanay ang mga atleta na sina gymnast Carlos Yulo, mga na sina boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno, at pole vaulter EJ Obiena sa kabila ng lockdown na naganap. ANNIE ABAD