SINIGURO ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William "Butch" Ramirez na maibabalik sa mga atleta ang kung anumang nabawas sa kanilang allowances simula ngayong buwan ng Hulyo, hanggang sa maging maayos na muli ang takbo ng lahat.

RAMIREZSa kanyang pagdalo sa kauna-unahang online PSA Forum, nitong Martes ng umaga ay ipinaliwanag ng PSC chief na siguradong maibabalik nila ang kung anumang halaga ang nabawas sa pera ng mga atlea sakaling bumalik na muli ang suporta ng Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) sa nasabing ahensiya.

Kamakalawa nang magpalabas ng pahayag ang Komisyun na mababawasan ng 50% ang mga allowances ng mga national athletes at coaches dahil sa walang maibibigay ang PAGCOR sa pagkakataong ito, bunsod ng nagaganap na lockdown sanhi ng COVID-19.

Ayon kay Ramirez, nagmumula ang allowances ng mga atleta at mga coaches buhat sa National Development Funds, kung saan nagmumula sa PAGCOR at ang isa naman ay galing sa mga ambag ng mga KOngresista na tinatawag na General Appropriations Act  (GAA).

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang pinakalamaking nakukuha ng PSC ay ang buhat sa PAGCOR at ito ay hati para sa mga elite athletes at para sa grassroots program ng nasabing kumisyon.

"Para talaga sa atleta yan hindi pwedeng hindi namin ibigay  yan para sa athletes. Kaya it  breaks our hearts sa ganitong pangyayari," pahayag ni Ramirez.

Ayon sa kanya ang nasabing pondo ay ayon sa batas kung kaya walang dahilan ang PSC upang hindi ibalik ang perang ito na nakalaan talaga para sa mga atleta.

"Ang NSDF is  hati 'yan ang kalahati  n'yan ay mapupunta  sa mga elite athletes at  ang kalahati sa grassroots sports program. Kapag bumalik ang pera  galing sa PAGCOR ay ibabalik po natin sa mga atleta 'yan. Hindi yan commitement ng Board its a law. And  we will be penalized by law if we not give it to them. It is people's money and that money is intended to the athletes," ayon sa PSC chief.

Kasabay nito ay bahagyang nanawagan din si Ramirez sa mga pribadong kompanya na gustong tumulong sa mga atleta upang matugunan kakulangan sa pondo ng mga atleta.

"So tlagang wala nang pera ang PSC eh, ang natitira na lamang naming pera ay 'yung mga obligated na gaya nung mga ibang constructions. So hindi naman namin pwedeng ibigay 'yung mga yun dahil nasa batas po iyon," ayon pa kay Ramirez.

Kasabay nito ay nanawagan na din ang PSC chief sa ilang mga kilalang Business Tycoon sa bansa na maaring makatulong na mapunan ang kakulangan sa pondo ng mga atleta.

Gayunman, sinabi niya na walang negatibongreaksyon buhat sa mga national athletes silang natanggap hinggil sa pagkakabawas ng kanilang mga allowances.

"Natutuwa kami at nagpapasalamat dahil matatalino ang ating mga atleta. They were all positive dun sa feedback with regards doon sa allowances," ani Ramirez. ANNIE ABAD