IPINAHAYAG ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina M. Garma na bukas ang pintuan ng ahensiya para mabigyan ng bagong hanap-buhay ang mga mangagawang nawalan ng trabaho bunsod ng pandemic na coronavirus (COVID-19).
Hinikayat ni Garma ang mga apektadong mangagawa na maging awtorisadong Lotto o Keno agent. Ang hakbang ay patunay, ayon kay Garma, na hindi lamang tungkulin ng ahensiya na makapagsilbi sa mga mahihirap na kababayan para sa kanilang medical na pangangailanga, bagkus ang makapagbigay ng kabuhayan para sa mga apektado ng krisis.
Para maayudahan ang mga interesadong maging agent, sinabi ni Garma na napagdesisyunan ng Board na ibaba ang application fee para maging Lotto at Keno agent sa halagang P2,500. Sa panuntunan ng ahensiya, magkahiwalay ang fee sa Lotto at Keno agent na kapwa may halagang P2,500.
Sa tinawag na 3-in-1 promo, sa halagang P2,500 awtorisado nang maging ahente hindi lamang ng Lotto, bagkus maging Keno at Sweepstakes.
Para sa renewal fee, ibinaba rin ng PCSO sa P1,000 para sa dalawang taong membership mula sa dating P3,700.
Naghihintay ang sales commission para sa ahente na 7.5% kung makapagpapatama ng jackpot sa Lotto, habang 5.0% sa Digit Games at Keno; at 10.0% sa Scratch Cards.
“Aside from the sales commission, lotto agents also get additional 1% of the jackpot prize or a maximum of 1 Million, as agent’s commission for selling the jackpot winning ticket,” pahayag ni Garma.
“We need to help each other in order to overcome the harsh reality brought by this pandemic. PCSO is here to help both the government and the Filipino people face the challenges of the new normal,” aniya.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official Facebook page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia/and PCSO official website na www.pcso.gov.ph