TULOY ang suporta ng pamahalaan sa atletang Pinoy, ngunit sadyang kabilang ang kanilang hanay sa apektado ng mapamuksang COVID-19.

RAMIREZ

RAMIREZ

Ipinahayag ng Philippine Sports Commission (PSC) na babawasan ng 50 porsiyento ang buwanang allowances ng atleta at coach simula ngayon.

"With much regret and after several discussions within the Board and senior officers of the agency, a 50% reduction on allowances of athletes and coaches shall be effected starting June 1.  (to be remitted July)", ayon sa pahayag na ipinalabas ng PSC.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ito ay sa kadahilanang ang National Sports Development Fund (NSDF)  kung saan nagmumula ang pera na ginagamit na allowance ng mga atleta at coaches ay naapektuhan bunsod ng malaking gastusin ng pamahalaan sa nakalipas na mahigit dalawang buwan pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) para labanan ang COVID-19.

Kaya naman napagdesisyunan ng PSC Board na bawasan na lamang ang allowance na nakukuha ng mga atketa at coaches poang umabot ito hanggang Disyembre ngayong taon.

"This is a hard decision to make, but one that needed to be done so we can continue caring for our athletes longer, " pahayag ni PSC Chief William " Butch" Ramirez.

Gayunman, siniguro ni Ramirez na pansamantala lamang ito at kung sakaling bumalik na muli sa dating  lebel ang pondo ng NSDF ay ibabalik nila sa kasalukuyang halaga na tinatanggap ng mga atleta at coaches.

Nauna na dito, upang matustusan ang pangangailangan ng mga atleta at coaches, kinailangan ng ahensiya na putulin na ang mga kontrata ng mga sports coordinators, consultant at JO staff.  ANNIE ABAD