BILANG pagtitipid sa harap ng kinakaharap na krisis dulot ng COVID-19 pandemic, pansamantalang idi-deactivate ng University of Perpetual Help ang kanilang athletics program hanggang sa pagpapatuloy ng susunod na NCAA competitions.

NCAA logo

Kaugnay nito, pansamantalang sususpindihin ang allowances ng kanilang mga student-athletes bilang bahagj ng kanilang cost-cutting measure.

Ayon kay Perpetual Management Committee representative Frank Gusi, makikipag-usap sila sa NCAA Board para sa kasalukuyang sitwasyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tiniyak naman ng Perpetual na  iri-reactivate din ang kanilang athletics department kapag nakapagtakda na ang NCAA ng petsa ng pagsisimula ng kanilang susunod na season.

Lahat naman umano ng kanilang mga coaches na may mga kontrata ay patuloy na tatanggap ng kanilang suweldo.

Nauna rito, dahil din sa kinakaharap na krisis dulot ng coronavirus, nagbawas naman ang Letran ng mga sports na kanilang sasalihan.

Ang Letran na syang host ng 96th season ng NCAA ay nagpaplano na kasama ng Management Committee na simulan ang susunod na season sa kalagitnaan ng 2021 sakaling magpatuloy ang kasalukuyang sitwasyon. MARIVIC AWITAN