PINARANGALAN Ateneo de Manila University ang dalawa sa kanilang pinaka-dominanteng student-athletes sa nahintong UAAP Season 82 tournament nitong Huwebes.

swim girl

Hinirang sinaThirdy Ravena sa basketball at Chloe Daos sa swimming bilang mga GUIDON-Moro Lorenzo awardees.

Si Ravena ang unang basketball player na nagwagi bilang Sportsman of the Year mula nang magwagi si Nonoy Baclao ng nasabing karangalan noong 2010 kasama ng  judoka na si JR Reyes.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa ikalawang pagkakataon naman ay nakamit ni Daos ang Sportswoman of the Year award matapos nyang manalo nito sa kanyang rookie year noong 2018.

Bukod dito, napili din ang 20-anyos na swimmer bilang Ambrosio Padilla Athlete of the Year.

Naging bahagi si Ravena ng Gilas Pilipinas team sa nakaraang 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers. Kasunod nito ay pinangunahan ng 23-anyos na cager ang Blue Eagles sa 16-0 sweep ng UAAP Men’s Basketball Tournament kung saan sya tinanghal na unang 3-time Finals Most Valuable Player sa Men’s Basketball sa 82 taong kasaysayan ng liga.

Nagpatuloy naman si Daos sa kanyang dominasyon sa swimming kung saan winalis nito lahat ng kanyang 7 events sa nakalipas na 4-day meet kung saan itinaas nya sa kabuuang 21 gold medals ang kanyang napanalunan sa kanyang   collegiate career.

Inungusan nila sa Sportsman of the Year award sina reigning two-time UAAP backstroke king Aki Cariño, UAAP Men’s Fencing Foil Individual event gold medalist Jaime Viceo at UAAP Women’s Badminton co-Finals MVP Geva De Vera at Chanelle Lunod.

Tinalo naman ni Daos para sa Athlete of the Year ang kapwa tanker na si Romina Gavino at reigning, 2-time UAAP Men’s Judo middleweight champion Bernie Margulies.

Ang GUIDON-Moro Lorenzo at Ambrosio Padilla Athlete of the Year ay taunang event na bahagi ng Loyola Schools Awards for Leadership and Service. MARIVIC AWITAN