TINANGGAP ng Department of Education (DepEd) ang kahilingan ng  Philippine Sports Commission (PSC)  na panatilihin sa curriculum ng national education system ang Physical Education.

RAMIREZ: Ready ang PSC sa SEAG.

RAMIREZ

Pormal na nagpadala ng liham si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez kay  DepEd Secretary Leonor Briones kung saan nilinaw ng ahensiya ang  kahalagahan ng subject na PE sa pagmoog ng kompetitibong atleta.

“PE is an important part of our children’s education.  It is so important that I believe it should become a core subject,” pahayag ni Ramirez.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nauna rito, inihain ng isang Senador na kabilang sa dalawang asignatura na posibleng tanggalin sa curriculum ngayong 2020 School Year ang PE, upang makaiwas diumano sa paglaganap ng nakamamatay na COVID-19.

Ngunit, iginiit ni Ramirez kay Briones na isa ang PE sa pinakamahalagang asignatura para sa mga kabataan upang mapanailiti ang tibay ng kanilang resistensiya at manatiling interesado sa sports sa kanilang  murang edad.

“We have chosen to let the tide of negative criticism pass, believing that the comment was done with the best interest of other matters in mind and was not meant to minimize Physical Education. As head of the government’s sports agency, it is incumbent upon me to present our position on the issue," bahagi ng liham ni Ramirez kay Briones.

Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng ilang ailituntunin sa panahon ng community quarantine ay nanatiling aktibo ang PSC sa pagbibigay impormasyon sa pamamgitan ng mga online workouts sa pangunguna ng mga national athletes, mga webinars o online seminars at training, mga sports nutrition at sports psychology, gamit ang iba't ibang uri ng media platform upang makapagbahagi ng kaalaman sa publiko. ANNIE ABAD