PAANO makakalikom ng P4 milyon para mapantustos sa 1,000 pamilya na apektado ng pandemic na COVID-19? Imposible?

Ngunit, para mga atleta at ilang personalidad mula sa 17 campus na nasa pangangasiwa ng De La Salle Philippines, Inc., walang imposible sa pagkakaisa at bayanihan.

lasalle

Nitong Sabado, inilunsad ang seven-hour fund-raising program Kada-Uno Lasalyano na napanood sa live streaming sa Facebook.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Friends, we need 4,000 Filipinos to donate one-thousand pesos each and we will be able to feed 1,000 homeless families for one month," pahayag ni dating De La Salle president Bro. Armin Luistro, FSC.

Sa pagtatapos ng programa, nakumpleto ng La Salle ang misyon na makalikom ng kabuuang P4,009,241.59.

Kabilang sa nakiiisa ang La Salle Lady Spikers kabilang sina Michele Gumabao, Aby Marano, Ara Galang, Kim Fajardo, Mika Reyes and Dawn Macandili and current members Tine Tiamzon, Aduke Ogunsanya, Jolina Dela Cruz, Michelle Cobb, Thea Gagate, Leila Cruz,  Ali Borabo, Fifi Sharma, Justine Jazareno, Juls Coronel, at Matet Espina.

"Very challenging talaga ito for us kasi very uncertain ang future. Let’s enjoy this moment muna and i-appreciate natin ang mga dumadating na blessings sa atin," sambit ni Reyes.

“Nasa inyo lahat ng answers, you just have to find it for yourselves," ayon naman kay Macandili.

Nakiisa rin sina dating three-time UAAP MVP Enchong Dee ng Green Tankers at dating Lady Batter Ria Atayde.

Naglaan din  ng tulong sina singer Gary Valenciano, Barbie Almalbis, at magkapatid na Jett at Rafi Panga. MARIVIC AWITAN