NAGLULUKSA ang Philippine sports sa pagpanaw ng 16-anyos na si Bea Luna, miyembro ng Philippine girls football team  under-15.

LUNA

LUNA

Kinumpirma ni Philippine Football Federation (PFF) women's administrator  na si Belay Fernando, ang biglaang pagpanaw ni Luna na nagtamo umano ng komplikasyon sa  arteriovenous malformation (AVM).

Nitong Linggo, isinugod sa ospital si Luna matapos mawalan ng ulirat. Naratay ito at nacomatose bago binawiin ng buhay nitong Martes.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Si Luna ay tubong Baguio at naging bahagi ng under 15 national team girls.

Kasama siya sa sumabak sa 2019 AFF U15 Girls' Championship na ginanap sa  Chonburi, Thailand.

Nakapaglaro si Luna nang magwagi ang koponan sa Timore-Leste sa 12-0 panalo sa naturang kompetisyon din. ANNIE ABAD