BALIK na ang operasyon ng nangungunang cement manufacturer Holcim Philippines, Inc. upang makatuwang sa programa ng pamahalaan na maibangon ang napilayang ekonomiya bunsod ng COVID-19.
Gumagana na ang mga planta at terminals sa La Union, Bulacan, Manila, Batangas at Davao matapos maibaba ng pamahalan ang antas na quarantine sa mga nasabing lungosd at lalawigan.
Handa na ring masuportahan ng Holcim ang pangangailangan sa Lugait, Misamis Oriental at North Mindanao.
Sinabi ni Holcim Philippines President and CEO John Stull na nakumpleto ng kompanya ang ipinatutupad na ‘health and safety controls’ laban sa COVID-19 para masiguro na protektado ang lahat ng manggagawa at partners sa mapamuksang coronavirus.
“We are ready to continue supporting our partners nationwide as they build important structures and contribute to reinvigorating the economy. Holcim Philippines is determined to ensure the well-being of our people, communities and business partners in our operations consistent with our core value of health and safety. Our company is also ready to share our expertise on this area to government and private sector partners to further contribute to the recovery efforts,” pahayag ni Stull.
Iginiit ni Stull na nasa magandang kondisyon at kaayusan ang lahat ng kagamitan at pasilidad ng kumpanya gamit ang mga magabagong pamamaraan upang mapanatili ang social distancing, gayundin ang pagpapatupad ng work from home.
Sa kasagsagan ng laban sa COVID-19 quarantines, nagpatayo ang Holcim Philippines ng mga bagong health facilities at nagbuo ng programa para mapanatili ang social distancing, proper sanitation and hygiene and health monitoring sa mga planta at opisina.