NANANATILING buhay ang tsansa ng Filipina-Japanese karateka na si Junna Tsukii na makalaro sa Tokyo Olympics kung matuloy ito sa susunod na taon.

Ito'y matapos ianunsiyo ng World Karate Federation (WKF) ang ilang pagbabago sa kanilang itinakdang Olympic qualification system kasunod ng naging postponement ng pagdaraos ng quadrennial meet ngayong taon at maurong sa Hulyo 2021 dahil sa coronavirus pandemic.

Rexor Romaquin go for the attack against Nguyen Ngoc Thann of Vietnam during their 67kg individual kumite at the 27th Sea GAmes in Nay Pyi Taw, Myanmar on Saturday, December 14, 2013. (KJ ROSALES)

Nakatakda sanang sumabak ng national karateka sa Karate 1-Premier League sa Rabat, Morocco bilang qualifier ngunit kinansela ito ng mga lokal na awtoridad doon sanhi ng COVID-19.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Kinukunsidera ng WKF na gawing kapalit ng nakanselang torneo ang 2021 edition  nito.

Puwede rin sanang makakuha ng puntos upang mag-qualify ang  2019 Southeast Asian (SEA) Games gold medalist sa 2020 Karate World Championships na nakatakdang ganapi sa Nobyembre sa Dubai ngunit posibleng idaos na ito sa Enero 2021.

"I have one premier league and a world championship which I can join for the Olympic selection," wika ni Tsukii na kasalukuyang no.9 sa world ranking ng  women's -50kg kumite category.

"The world championship, in particular, is the biggest opportunity for me to improve my world rankings since it offers the most points. So I have to train more because I see a big chance for me there,"ayon pa kay Tsukii.

At dahil pagsasamahin sa  Tokyo Olympics ang -50kg at -55kg categories, sa unang stage ng qualification, pipiliin ang dalawang highest-ranked sa bawat  standard WKF weight class habang may tig-isang slot para sa bawat national Olympic committee.

Maaari ding mag-qualify si Tsukii sasecond stage sa pamamagitan ng Olympic qualifying tournament kung saan ang top 3 sa bawat Olympic event ay awtomatikong uusad sa Olymics.

Bukod doon, ang huling tsansa ni Tsukii para mag-qualify  ay sa pamamagitan ng continental representation kung saan pipili ng dalawa sa Asia buhat sa 8 Olympic karate events.

Pipili ang WKF ng highest-ranking athlete mula sa mga gold medalists ng bawat continental games. MARIVIC AWITAN