IDINAGDAG na sa listahan ng mga aktibidad na papayagang gawin sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang mga sports at mga uri ng ehersisyo na posible ang pagpapatupad ng social distancing.
Kabilang ang running o pagtakbo at ang cycling o pagbibisikleta sa napabilang sa listahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) gayundin ang golf, swimming, tennis at badminton.
“Outdoor non-contact sports and other forms of exercise such as but not limited to walking, jogging, running, biking, golf, swimming, tennis, badminton, equestrian and skateboarding are allowed," ayon sa IATF.
Ang mga nasabing sports ay papahintulutan na gawin sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ basta't susundin ang mga public health standards gaya ng pagsusuot ng face masks, pagmintina ng social distancing protocols at walang hiraman ng equipments.
Kaugnay nito, nagbukas na ang ilang mga golf clubs sa iba't-ibang panig ng bansa gaya ng Orchard Golf Club sa Cavite, Pueblo de Oro sa Cagayan de Oro at Bacolod Golf and Country Club. MARIVIC AWITAN