TULAD nang naipangako ng Resorts World Philippines Cultural Heritage Foundation, Inc. (RWPCHFI), naipamahagi ang kabuuang P50 million halaga ng medical equipment na ipinamigay bilang tulong sa laban ng pamahalaan sa pagpuksa sa Coronavirus Disease (COVID-19).

PAGCOR Chief Andrea Domingo.

PAGCOR Chief Andrea Domingo.

Nitong Mayo 24, 2020, nakumpleto ng RWPCHFI ang huling ayuda ng programa sa may 12 ospital sa Metro Manila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Naipamahagi ng RWPCHFI, ang charitable arm ng Travellers International Hotel Groups, Inc. (operator of Resorts World Manila), ang  6,000 personal protective equipment (PPE) suits; 60,000 N95 masks; 60,000 disposable medical masks; 6,000 medical grade goggles; 6,000 medical gloves; at 6,000 medical shoe covers sa RWM complex sa Pasay City.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kabilang sa mga ospital na nakatanggap ng tulong ang National Kidney and Transplant Institute, Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Las Piñas General Hospital, San Lorenzo Ruiz General Hospital, Valenzuela Medical Center, Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Research Institute for Tropical Medicine, Rizal Medical Center, East Avenue Medical Center, San Lazaro Hospital, at Armed Forces of the Philippines Medical Center.  Namahagi rin ang Foundation ng 200 infrared thermometers  sa National Capital Region (NCR) Police Office.

“Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa Resorts World Manila and of course sa PAGCOR sa mga donasyon na ibinahagi po nila lalung-lalo na sa Rizal Medical Center (RMC). Naniniwala po kami na ang donasyong ito ay makatutulong sa lahat ng aming mga pasyente as well as to our healthcare workers…,” pahayag ni RMC Administrative Officer V Analou Ador.

“Pangalawang beses na po na nakatanggap kami. Actually, mula po sa aming Director, naniniwala po sya na ang mga donasyong ito ay magla-last until the end of the year."

Iginiit ni RWM Chief Operating Officer Stephen James Reilly na nakikiisa ang kumpanya sa programa ng pamahalaan para sa mabilis na pagsugpo ng pandemia.

“It’s always a pleasure to work with PAGCOR and our partners and to do these relief efforts which we have been doing over the past weeks and months. And we hope we could do more in the future,” aniya.

Nitong April, namahagi ang  RWPCHFI ng 16,000 PPEs, medical gloves, goggles, shoe covers, at  40,000 N95 face masks  sa iba’t ibang ospital sa Manila. Bukod pa ang 40,000 face masks at 400 infrared thermometers sa local government units ng Pasay at Parañaque at NCR Police Office.

Kamakailan, nakipagtambalan din ang RWPCHFI sa Suncity Group’s Philippine subsidiary – SunTrust Home Developers Inc. (SunTrust) at PAGCOR para sa P50 milyon halaga ng PPEs sa 40 public hospitals sa Luzon.