HABANG nasa kasagsagan ng quarantine, patuloy na nagtatrabaho ang mga sports officials ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nagpulong sa pamamagitan ng online conference call ang  PSC Board sa pangunguna ni Chairman William "Butch" Ramirez at ang kanyang apat na Commissioners, kasama si Team Philippines Chef de Mission to the Tokyo Olymoics na si Mariano 'Nonong' Araneta kahapon.

RAMIREZ at Araneta.

RAMIREZ at Araneta.

Ito ay upang talakayin ang tungkol sa preparasyon ng bansa para Toyto Olympics na iniurong sa taong 2021 dahil sa panganib na dulot ng COVID-19 sa buong mundo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

"It's a good thing, kasi I really want to know the stand of PSC when it comes sa preparation natin for the Olympics. Kung ano na 'yung mangyayari and also gusto ko ring malaman 'yung tungkol sa budget," pahayag ni Araneta.

Ayon sa dating football player at ngayon ay pangulo ng Philippine Football Federation (PFF), na may una nang nakalaang pondo para sa mga Olympic bound athletes na kabuuang P150M kasama na ang preparasyon ng mga nasa qualifying events pa rin.

"Kasi 'yung P150M na 'yan that was allotted from January of this year hanggang June, kasi nga di ba supposedly July ang Olympics , eh kaso napostponed hanggang next year. So I want to know kasi mas mahaba ang preparation ngayon so I'd like to know their stand on this, " pahayag ni Araneta.

Pagkakataon din umano ang nasabing pagpupulong upang mapinalisa ang mga dapat na paghandaan para sa pagsabak ng bansa sa Olimpiyada.

Naniniwala rin si Araneta na madaragdagan pa ang mga pambato ng Pilipinas na maaring makakuha ng ginto sa naturang quadrennial meet.

"We have 4 athletes now eh. Madaragdagan pa 'yan. We have weightlifting, isang qualifying na lang naman hinihintay ni Hidilyn (Diaz) tapos may mga boxers pa tayo. We also have 'yung Judoka natin na si Watanabe. Dadami pa 'yan for sure, " ayon kay Araneta.

Sa kasalukuyan ay pasok na sa Olympics sina EJ Obiena ng athletics sa event na pole vault, si Carlos Yulo ng gymnastics,  at sina Eumir Marcial at Irish Magno ng boxing. ANNIE ABAD