APEKTADO ang lahat sa COVID-19 pandemic, higit ang pamumuhay ng komunidad at kalakaran ng negosyo. Sa tinaguriang ‘new normal’ na pamumuhay ng Pinoy, sentro ng patakaran ang ‘physical distancing’ at ‘safe hygienic practices’.

honday

Matapos isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Luzon at ilang karatig lalawigan sa bansa nitong Marso17, unti-unti nang binuksan ng pamahalaan ang ekonomiya sa NCR sa pagbaba ng  Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).  Sa kabila ng pagpapalit sa status, malaking usapin pa rin  ang ligtas na pagkilos ng mamamayan, higit at suspindido pa rin at may limitasyon ang mga pampublikong sasakyan.

Malaki ang alalahanin sa mass transportation sa panahon ng COVID-19 pandemic dahil na rin  sa malaking posibilidad ng hawaan dahil sa direktang contact ng mga mananakay.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

At sa gitna ng krisis, ang motorsiklo ang tunay na maasahan at mabisang pamamaraan para sa mabilis na biyahe sa pagpasok sa trabaho at paghatid sa mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilya na patuloy na nananatili sa kani-kanilang tahanan.

Sa ganitong sitwasyon, maasahan ang Honda Philippines, Inc. (HPI), nangungunang Motorcycle Manufacturer sa Pilipinas, para masiguro ang seguridad at kalusugan ng mamamayan sa panahon  ng krisis.

“This pandemic is expected to remain with us throughout the year. So, we must ensure the safety of Filipinos by providing the possible transportation solutions that will allow mobility at a reasonable price, yet keep them safe,” pahayag ni Susumu Mitsuishi, President of HPI.

Indikasyon na may tiwala ang Pinoy sa Honda sa malaking bilang ng produkto ng HCI sa kalsadahan tulad ng Honda BeAT, Genio, CLICK, at PCX150.

“It brings us great fulfillment that our motorcycles are of great importance especially during these days, bringing safety for people against the dangerous virus,” sambit ni Mitsuishi.

Para sa karagdagang impormasyon hingil sa Honda motorcycle, bisitahin ang Facebook page, Honda Philippines, Inc. at Instagram, @hondaph_mc.