HINDI lamang kalusugan, bagkus kabuhayan ng pamilyang Pinoy ang lubhang naapektuhan sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) bilang programa para maabatan ang pagkalat ng mapamuksang coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

mekeni

Hindi naman nagpabaya ang pamahalaan at naging katuwang ang pribadong sector upang maibsan ang epekto ng naturang pandemic. Para sa Pinoy, kultura na ang pagtutulungan sa oras ng kagipitan at ang matandang kaugalian na ‘Bayanihan’ ay lutang na lutang sa panahon ng kahirapan.

Tulad ng iba, ang kumpanya ng Mekeni, isang lehitimong Pinoy-owned company, ay nagpamalas ng pagkalinga  sa mga kababayan na lubhang apektado ng krisis. Sa pagsisimula pa lamang ng ECQ, kaagad na tumugon ang Mekeni sa panawagan ng pamahalaan na maghatid ng suporta sa mga komunidad at sa medical frontliners upang maibsan ang dagok na kanilang pinapansan sa kasalukuyan.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

 “We know that countless Filipinos are affected by the lockdown. Even our own employees are affected because they cannot go to work. But when we announced that we were going to conduct a donation initiative for those affected by COVID-19, everyone was on board. They were willing to put in more hours just to be able to help, which is very heartwarming,” pahayag ni Mekeni President Prudencio Garcia.

Bukod sa paniniguro sa seguridad ng mga empleyado, nagpahatid ng ayuda ang Mekeni ilang charitable organizations, local government units, at frontliners sa iba’t ibang panig ng Luzon. Sa pangangasiwa ng Emergency Preparedness and Response Team ng kumpanya, mismong mga empleyado ng Mekeni ang nag-re-packed at nag-ayos ng mga ‘relief pack’ na ipinamahagi sa mga komunidad.

 “We’re very glad that despite being in a much different situation now, our employees still chose to serve others. I do not exactly know their reasons pero nakatataba ng puso na sa mga panahong gaya nito, handa silang tumulong sa ibang tao,” sambit ni Garcia.

Tunay na nananalaytay sa dugo ng Pinoy ang malasakit at ang ‘Bayanihan’ ang siyang pundasyon ng Mekeni. Nakatatak na sa imahe ng kumpanya ang pagtulong at kaakibat ng sambayanan ang kumpanya sa anumang krisis tulad ng pagputok ng Mount Pinatubo noong 1991, Typhoon Ondoy noong 2009, lindol sa Pampanga na sumalanta sa Porac nitong April 2019, at ang Taal volcano eruption nitong Pebrero.

In times like these, we must be there for each other to help and uplift one another. As we face the threat of this pandemic, we are committed to do whatever we can for our frontliners and communities in need by helping provide for their needs. We hope that through our contributions, we can make a difference in their lives,” pahayag ni Garcia.