MAY iba't ibang uri ng frontliners.

At gaya ng mga health workers at military at police personnel, may frontliners ang Philippine Sports Commission (PSC) sa katauhan ng magigiting na empleyado na 24 oras na nagbabantay sa mga pasilidad na nasa ilalim ng pangangalaga ng nasabing ahensiya.

Nitong Marso, tumugon ang PSC sa panawagan ng gobyerno na bigyan nang matutuluyan ang mga kababayan na sumasailalim sa 14-day quarantine gayundin ang mga may sintomas sa nakamamatay na COVID-19

KABILANG sa pinarangalan ng PSC si Mr. Bitog.

KABILANG sa pinarangalan ng PSC si Mr. Bitog.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

At bilang tugon ng PSC,  binuksan nito ang mga sports facilities na nasa ilalim ng pamamahala nito gaya ng   Ninoy Aquino Stadium (NAS) at ang  Rizal Memorial Coliseum (RMC) na parehong nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Maynila gayundin ang Philsports Arena  na nasa loob naman ng  Philsports Complex sa Pasig, upang gawing pansamantalang ospital para sa mga kababayan nating tinamaan ng virus.

Dahil dito, may mga empleyado ng  PSC na kasalukuyang nanatili sa mga pasilidad ng Philsports dormitory upang masiguro na mababantayang maige ang lugar ng nasabing ahensiya sa kabila ng ipinairal na community quarantine.

"Talagang ganon, government service ito. Kami lang naiwan dito, so we have to face this. Nakadivide yung mga tao natin, kasi mayroong galing sa office of the Chairman, mayroon sa property office, mayroon sa travel, sa transpo, and yung different offices para kung anytime na kailanganin,”  pahayag ni Manuel Bitog,  tumatayong Assistance and Coordination Division (ACD) Chief at pinuno din ng frontline personnel ng PSC.

Kasama ni Bitog ang ilang empleyado ng PSC na kasalukuyang nakahimpil sa loob ng RMSC  kung saan ay patuloy silang nagtatrabaho buhat pa noong mag-lockdown ang Manila.

At ayon mismo kay Bitog, hindi sila pinapabayaan ng mga opisyales ng komisyon gayung madalas na nakaantabay sa mga gawain alinsunod sa programa ng pamahalaan.

“Okay naman, wala namang  problema, Sir Marc [Velasco] (PSC Chief of Staff) is actually pumupunta rito, always here. Tinitingnan kami rito,” kuwento ni Bitog.

Hindi naman naging hadlang sa kanila ang nasabing lockdown, gayung itinuon nila ang pansin sa pag-ehersisyo at mas lalo silang naging maingat upang malabanan ang  hindi nakikitang kalaban.

“Sa amin it's just a matter of being careful, and then staying fit. Every day, sabi ko sa mga bata natin, exercise kayo after doing your work, para 'di tayo matamaan ng sakit,” aniya.

Bumuhos din ang tulong buhat sa mga mababait at matulunging mga donors na nagpaabot ng tulong sa kanilang mga atleta.

“Maraming companies nagdonate -- Milo, Gatorade, mayroon ding mga NSA (National Sports Associations). Nagdodonate din ang Pocari,” ayon pa kay Bitog.

Sa kasalukuyan, may 33 pasyente ang NAS at hinihintay na lamang na tuluyan silang gumaling bago pauwiin sa kani-kanilang mga tahanan ayon kay Bitog.

“Baka palagay ko tuluy-tuloy kasi ‘di ba yung dalawang malalaki nating facilities dito, yung Ninoy Aquino Stadium at saka yung Rizal Coliseum [mayroong pasyente]. Yesterday nakausap ko si Sir Mangahas, yung group commander nila, one hundred plus kasi dati yung sa Ninoy, yung pasyente. Kahapon, 33 na lang yung naiwan, so out of the 33, inaantay lang yung parang number of days na pwede na silang umuwi.Then after that, ididisinfect na ang Ninoy Aquino Stadium, and then ngayon lang, kararating ng patient sa Rizal Coliseum,” ani Bitog.  ANNIE ABAD