TUNAY na walang maiiwan sa ayuda ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ipinahayag nitong Biyernes ni PCSO Vice Chair and General Manager Royina M. Garma na kabuuang P18,723,000 ang pondong inilaan ng ahensiya para ayudahan ang mga apektadong Lotto at Keno agents na may kabuuang bilang na 6,241 sa buong bansa.

KINAKAUSAP ni Garma ang ilang beneficiary ng PCSO program.

KINAKAUSAP ni Garma ang ilang beneficiary ng PCSO program.

 “We, at the PCSO Board understand the plight of our individual Lotto and Keno agents.  That’s why, as our partners in raising revenues, we also have to look after their welfare during this global pandemic.  I have instructed our Branch Managers and all other concerned officials to immediately facilitate the release of the assistance, “ pahayag ni Garma.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ang naturang ayuda ay aprubado ng PCSO Board Resolution 109 s. 2020 at isinumite sa Office of the President.  Ang naturang tulong ay bilang tugon ng ahensiya sa pangangailangan ng mga agents na lubhang apektado sa pansamantalang pagpapahinto ng Lotto draw bunsod ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Ang mga kwalipikadong Lotto at Keno agents ay inatasang makipag-ugnayan sa pinakamalapit na PCSO Branch Office para makuha ang naturang tulong.

Nasuspinde ang operasyon ng Lotto at Keno nitong Marso 17, 2020.