HINDI maikakaila na matindi ang epekto ng kasalukuyang krisis sa emosyunal at mental na aspeto ng bawat Pinoy, higit yaong wala nang mababalikang trabaho.

At kabilang dito ang mga atletang Pinoy.

psc

Kaya naman nais ni Tokyo Olympics Team Philippines Chef de Mission Mariano 'Nonong' Araneta na imungkahi sa pamahalaan na payagan ang sports na makapagsimula muli.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa kasalukuyang presidente ng Philippine Football Federation (PFF), malaki ang maitutulong ng sports sa mga Pilipinong dumadanas na ng depresyon at pagkabalisa, sanhi ng kasalukuyang quarantine, ang panunumbalik ng pamumuhay kabilang ang paglalaro.

"Actually importante sa atin ngayon ang sports eh. 'Yung lang mapayagan na maka-pag jogging dito sa labas sa bahay natin malaking bagay na eh. So when it comes to spectator sports, 'yun 'yung entertainment eh. You can have it televised naman eh, " pahayag ni Araneta sa isang panayam sa kanya ng Balita sa Sports Lockdown.

Sinabi ni Araneta na posible na maisagawa ang isang non- contact sports at maging ang mga team sports basta mayroong tamang protocol o alituntunin na susundin habang nasa ilalim ng community quarantine ang isang lugar.

"I think pwede naman na magawa 'yung mga sports na athletics, or gymnastics, o kaya weightlifting. Mga non-contact sports naman ito eh. And even the team sports basta closed door lang and televised puwede eh. Doable naman, " ayon pa kay Araneta.

Sinabi pa ng dating football player na malaking tulong umano ito para sa mga kababayan natin na nasa loob lamang ng bahay at hindi makalabas sanhi ng quarantine.

"It will help them to be entertained eh. Minsan nakakasawa na rin 'yung mga pelikula na pinapanood natin so ang mga to, syempre they want to be entertained eh. So sana payagan na nila," ani Araneta.

Sa mga susunod na araw ay magtutungo si Araneta sa Games and Amusement Board (GAB) upang ihain ang ilang alituntunin na maaring gawin at ipatupad  upang mabigyan ng tsana sa na payagan ang football games ngayong panahon ng Covid-19.

Isang malaking epekto din umano sa mga manlalaro ang biglaang pagkawala ng sports gayung masisira ang momentum ng training ng mga ito lalo na nga ang mga atleta na sasabak sa Olympics.

"In Italy, mas marami ang naging kaso nila ng Covid-19 sa atin but they were able to bounce back. Ganun din ang Spain. With the proper protocol pwede naman na makapag laro ulit," aniya.

Maari umanong  maituloy ang mga laro kahit sa pamamagitan lamang  ng closed door games basta may wastong protektibong gamit na kailangan gaya ng face mask, sanitizer pati na ang tamang paglilinis ng playing fields.

"Sana talaga mapayagan. Because we can't go on like this. Kailangan talaga may target at may plano eh. So hopefully matugunan nila at mapayagan," aniya. Annie Abad