DAHIL  sa mapanganib pa rin para sa lahat ang lumabas at bumalik sa dating gawi bunsod ng Coronavirus, sinikap ng Philippine Sports Commission sa pamamagitan ng Philippine Sports Institute Medical Scientific and Athletic Services (PSI-MSAS) na magbalangkas ng alituntunin kung paanong ang isang sports ay papayagan nang muling mailaro depende sa level ng quarantine.

HINDI nagpapabaya si PSC Chairman Butch Ramirez para sa atletang Pinoy sa gitna ng COVID-19.

HINDI nagpapabaya si PSC Chairman Butch Ramirez para sa atletang Pinoy sa gitna ng COVID-19.

Isa sa mga maaring payagan sakaling bawiin na ang quarantine sa isang lugar ay ang  5-on-5 basketball, ayon na rin sa alituntunin na isinumite ng ahensiya sa Department of Health (DOH) at sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

"This national framework for reintroducing recreational and competitive sport will just be 'reacting' with the dynamic evolution of the COVID-19 disease process and in accordance with established norms and advisories of the national government. The priority at all times is to preserve public health, without straining our health care system unnecessarily from sports related medical consults and at the same time minimize the risk of community transmission of COVID-19," ito ang bahagi ng alituntintunin na nakasaad sa  Framework Tool For Reintroducing Sport in a COVID-19 Environment.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ito ay maipatutupad lamang sa darating na "new normal" kung saan ang sinasabing "new normal" ay magaganap lamang sakaling maibsan na ang kaso ng virus sa bansa at bawiin na ang community quarantine.

Sa kasalukuyan nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang ilang bahagi ng bansa, gaya ng Metro Manila, Laguna at Cebu.

Pinapayagan na din sa ilalim ng MECQ ang jogging at ang pagbibisikleta, habang sa panahon na ibaba na sa General Community Quarantine (GCQ) ay saka naman maari nang buksan ang mga sports facilities gaya ng mga gym, ngunit may limitadong bilang lamang ng tao at lahat ay may suot na face masks.

Ngunit, sa oras na ibalik muli sa Enhanced Community Quarantine ang isang lugar, ay walang sports activites ang maaring isagawa sa labas.

Kabilang sa mga sports na maaring maisagawa sa ilalim ng MECQ  ay ang  running, badminton,  mga kata events sa  karate, at mga open water swimming.

Sa GCQ naman ay papayagan makapag laro ng basketball ang ilang tao, basta hindi ito, scrimmage o laro at maari lamang silang magsagawa ng shooting, dribbling at iwasang magkaroon ng direktang kontak sa isat'isa gayundin ang pagpapahiram ng bola.  ANNIE ABAD