MAS pinalawak ng foodpanda, pinakamalaking online food ordering and delivery service sa bansa, ang sakop ng serbisyo ngayong buwan sa pagdagdag ng delivery services sa lungsod ng Zamboanga sa Mindanao at Palo City sa Visayas.

size2

Handa na rin at malapit nang simulan ang paglarga ng pamosong ‘pink riders’ sa kalsadahan ng Tarlac at Sta. Rosa, Laguna sa Luzon, Kabanklan sa Visayas, at Tagum sa Mindanao.

Mas marami na ang maseserbisyuhan at masisiyahan sa nais na pagkain at inumin na hindi na kailangang pang umalis nang kani-kanilang tahanan.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Simple lang ang gawain, habang siesta sa sariling bakuran. Maghanap lamang ng pinakamalapit na restaurant o food centers, bisitahin ang nais na pagkain sa menu at mag-order. Sa pamamagitan ng foodpanda, makakamit ang lahat nang nais na pagkain maging American, Japanese, Italian, at mga lokal na delicacy.

Bukod sa katiyakan para sa mabilis na serbisyo, nagbibigay din ang  foodpanda ng diskwento na aabot sa 50 percent at libreng delivery services.

“We are very excited to add more locations to our list of cities, especially because we want to play the part during this time by helping people get the food delivered directly to their doorstep. The team believes that opening more cities to operate is an innovative response to COVID-19 as people are relying mostly on delivery service these days. To top it off, we’re seeing massive growth and a lot of interest from restaurants who are either experiencing it or through word of mouth, so our aim is to open more in select cities in the next months,” pahayag ni Argie Muyco, Head of Expansion for foodpanda Philippines.

Mula sa paboritong milk tea, coffee, pizza, pasta, hanggang steaks—sagot ng foodpanda ang katiyakan na makararating sa inyong tahanan ang inorder na pagkain sa madaling pamamaraan.