HABANG ang ilan ay nababagot sa pagkakahimpil sa kani-kanilang mga tahanan, siniguro naman ni 30th Southeast Asian Games (SEAG) gold medalist Jocel Lyn Ninobla na maging makabuluhan ang kanyang pananatili sa bahay matapos na pagwagian ang gintong medalya sa kauna-unahang online tournament sa Poomsae kamakailan.

NINOBLA

NINOBLA

Ayon sa 23-anyos na si Ninobla, nanibago umano siya noong una sa kanyang paglahok sa Online Daedo Open European Poomsae Championships, gayung kinailangan niyang kuhaan ang sarili habang ginagawa ang kanyang routine.

"Medyo nanibago po ako kasi pag nag take ka ng video kasi titingnan mo palagi yung maganda yung video. Lagi mong iisipin dapat close to perfection eh," kuwento ng 23-anyos na si Ninobla sa Sports Lockdown kamakalawa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mismong ang coach niya na dating SEA Games gold medalist din na si Rani Ortega ang humikayat sa kanilang mag-ama upang lumahok sa naturang torneo, si Ninobla sa under-30 Female Division habang ang kanyang ama naman ay sa 40 up category lumahok.

 "Masaya naman po kasi nga ibang style of competition po, but basically ganun pa rin po. Ang kaibahan lang po, napapanood ko 'yung sarili ko na nagpeperform, unlike po kapag live competition, syempre yung kalaban ko lang po ang napapanood ko," ayon pa kay Ninobla na siya ring pambato ng  UST.

Kahit pa nga abala sa kanyang training sa pagiging Taewondo jin, hindi pinabayaan ni Ninobla ang kanyang pag-aaral kung saan ay nakatakda na siyang magtapos ngayong darating na Hunyo sa kursong Sports Management.

"Kailangan lang po, balanse lahat para magawa po ninyo ng tama lahat at matapos ng tama. Kaya nakaya ko naman po ang pag-aaral at the same time ang takwondo," ani Ninobla.

Samantala, nagpasalamat naman si Ninobla sa suportang ipinagkakaloob sa kanya ng NSA nito na Philippine Taekwondo Association (PTA) gayundin sa suporta ng Philippine Sports Commission (PSC).

"Thank you po sa lahat ng suports sa PTA po at lalo na po sa PSC kasi talaga hindi po nila kami pinapabayaan hanggang ngayon," ani Ninobla.

Si Ninobla ay three-time champion ng UST sa Poomsae event at nasungkit nga din niya ang ginto buhat sa  2019 Southeast Asian Games, nagwagi din siya ng silver sa  women’s event kasama sina Rinna Babanto  ng La Salle at isa pang Thomasian na si  Aidaine Laxa.

Ang Online Daedo Open European Poomsae Championships ay isang  experimental event  na inorganisa ng European Taekwondo Union. Annie Abad