SA gitna ng nararanasang Enhanced Community Qurantine (ECQ), patuloy na ipinadarama nina dating Azkals star Anton Del Rosario at Luntian Futsal School coach at manager Johan Casal ang kahalagahan ng pagsasanay at paghahanda para mapanatiling malusog ang pangangatawan.

Anton del Rosario

Anton del Rosario

Sa ikatlong episode ng Heroes of Halftime, masinsin na pinag-usapan ng dalawang football personality ang 7s Football League (7s FL) at ang pananatiling buhay ng sports, higit sa football community.

Habang pansamantalang itinigil ang lahat ng antas ng sports sa bansa dahil sa COVID-19, inilarawan ni Del Rosario kung paano napagkaisa ng 7s FL na kanyang inorganisa ang football community sa nakalipas na mga taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We focus a lot in creating an atmosphere,” sambit ni Del Rosario.“We are about 250 to 300 teams playing every weekend. So, when you come to our games, we’ll have kids playing throughout the day, and then have the adults take over. While we’re doing it, we have concessions and music.”

Kinatigan ito ni Casal, miyembro rin ng 7s FL Muntinlupa division, at iginiit na marami na ang naghihintay para sa pagbabalik ng aksiyon sa hinaharap.

“The 7s is very different because it is more community-based. When we go to the games, it’s like a reunion. We really battle it out on the field but after the game, we all crack open a can of beer and just enjoy each other’s company,” sambit ni Casal.  “In fact, my players are already asking when are we going to resume?”

Iginiit ni Del Rosario na handa na ang lahat ng football clubs para sa pagbabalik sa pitch, higit ang bawat miyembro ay nagsasagawa ng pagsasanay sa kani-kanilang kapasidad.

“I’ve spoken to the managers of my teams and according to them, all their players are all ready to get back on the field. Fan-less or with fans, I think the players are still able to bring it and give a very good match,” ayon kay Del Rosario.

Ang ‘Heroes of Halftime’ ay isang lingguhang palabas sa online kung saan nagkakaroon ng pagkakataon ang football enthusiast na makipagtalakayan at maibahagi ang kanilang gawain sa gitna ng ipinatutupad na GCQ.

Mapapanood ang 20-minuto na programa sa YouTube channel ni Audris Romualdez (https://www.youtube.com/channel/UCryMBec3EJH-qGyQdIYxCfQ/featured).