UNTI-UNTI nang binubuksan ng pamahalaan ang ekonomiya at asahan ang mas mataas na pangangailangan ng pribadong transportasyon, at mas malaking bilang ng cargo para sa mga ‘essential’ na pangangailangan ng mamamayan.
Sa ganitong sitwasyon, handa ang Caltex (Chevron Philippines Inc.), upang masustinahan ang pangangailangan sa de kalidad na gasolina, sa pamamagitan ng pagbubukas ng karagdagang walong (8) bagong service stations sa mga lugar na mataas ang pangangailangan para maibiyahe ang mga pangunahing produkto na kailangan ng sambayanan tulad ng medisina, pagkain at tubig na inumin.
Binuksan ng Chevron kamakailan ang dalawang bagong Caltex stations sa El Nido, Palawan. Ang Palawan ang pinakamayamang lalawigan na pinagkukunan ng yamang-dagat na kinakailangan ng Metro Manila.
Nagbibigay na rin ng serbisyo sa mamamayan ang Caltex station sa Western Nautical Highway, Brgy. Puting Tubig, Calapan, Oriental Mindoro. Isa sa may pinakamayamang agriculture industry ang naturang lalawigan.
Binuksan din ng Chevron ang retail site sa Guagua, Pampanga, na matatagpuan sa Duat, Pulungmasle na kilala sa industriya ng milk tea shop, laundry service, payment center at clothing shop. Pangunahing pinagkukunan ng bigas, mais, tubo at isdang tilapia ang Central Luzon.
Sa Norte, binuksan ng Chevron ang retail site sa Santiago-Tuguegaro Rd., Quezon, Isabela — isa ring tanyag sa mais at bigas sa Luzon.
Handa na ring magbigay serbisyo ang retail site sa Legaspi City-Tiwi Coastal Rd., Rawis, Albay – sikat sa abaca manufacturing.
Nagbukas din ang dalawang stations sa Leyte, isa sa Diversion Road at sa National Highway sa MacArthur.
“We understand the needs of businesses for easily accessible and quality fuels in order to efficiently transport goods and get local economies going. We are confident that these new stations will be able to help fulfill those needs,” pahayag ni Mr. Louie Zhang, General Manager for Products and Country Chairman, CPI.
Ibinibida ng Caltex ang dekalidad na Euro 4 fuel products tulad ng Platinum with Techron, Silver with Techron, Diesel with TechronD, at lubricants.
Madaling matatagpuan ng motorista ang pinakamalapit na Caltex station sa kanilang lugar at madadaanang kalsada sa pamamagitan ng Caltex Locator app, na libreng mado-download sa Google Play at App Store ng. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Caltex sa http://caltex.com.