SA kabila ng pagkakansela ng 10th ASEAN Paralympic Games, masaya si  Paralympic powerlifting medalist Adeline Dumapong sa suporta ng pamahalaan sa atletang Pinoy.

para games

Ayon sa five-time Paralympic athlete at kauna-unahang Pinay na nag-uwi ng bronze medal buhat sa 2000 Summer Paralympic, buong mundo ang apektado sa pandemic at nararapat lamang na magkaisa ang lahy imbes ma magturuan ng kamalian.

"Disappointed siyempre, pero masaya ka,I hindi naman kami napabayaan. Wala namang mag kagustuhan ng pangyayari talagang kailangan lang ang pag-iingat. Ito rin ang isinaalang-alang ng Philippine Sports Commission (PSC)," ayon kay Dumapong.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Kinansela ng PSC ang lahat ng  mga multi-sports events na  nasa ilalim ng kanilang pangangalaga na dapat sana ay magaganap ngayong 2020.

Ngunit, dahil sa bantang panganib ng COVID-19, napagdesisyunan ni PSC Chairman William "Butch" Ramirez sampu ng mga bumubuo ng Board na kanselahin na lamang ang Philippine National Games, Batang Pinoy, Children's Games, Laro't Saya sa Parke, Ang National Sports Summit pati na ang 10th ASEAN Para Games na orihinal na nakatakda noong Enero na iniurong ng Marso at Oktubre hanggang sa kanselahin na nga nitong kamakailan lamang.

"The moment na sinabi si Chairman Ramirez na No Vaccines, No sports activities ' yun na 'yun. Alam namin na hindi na nga matutuloy. But still we are very grateful to the PSC kasi continues pa rin ang allowances namin," ani Dumapong.

Sa ngayon aniya, maghihintay  na lamang sila sa kung anumang desisyon ang mapagkakasunduan ng mga kinauukulan, ngunit siniguro niya na suportado nila ang kung anuman ang mapagkakasunduan. ANNIE ABAD