BILANG suporta sa laban ng pamahalaan na maabatan ang pagdami ng kaso ng novel coronavirus (COVID-19), binuksan ng University of the Philippines ang Kalinga Center ng College of Human Kinetics Gym bilang  isolation facility.

covid

"Nakita namin yung value and significance of serving the UP community. For as long as puro remote learning sa UP, we will support this," pahayag ni UP CHK dean and UAAP Board of Managing Directors member Kiko Diaz.

"Wala pa namang face-to-face classes so we saw fit that one of the facilities be transformed to an isolation facility," aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang naturang facility, ginagamit bilang training venue ng Lady Maroons Women's Basketball Team at UP Pep, ay equipped ng tents, mattresses, at beddings na magagamit ng mga recovering COVID-19 patients, gayundi nang mga naghihintay ng kanilang mga resulta sa COVID-19 test.

Magroon din malinis na paliguan, toilet amenities, water dispensers, washing machines, at hygiene kits.

Ang step-down facility ay binuo sa pagkakaisa ng UP CHK, Maynilad, at UP ACTasONE na pinamumunuan ni Mike Defensor.