BAWAT hakbang ng frontliner ay isang pagkilos para makapagsalba ng buhay.
Bilang pagkilala at pagbibigay-pugay sa tinaguriang ‘unsung heroes’ sa laban kontra COVID-19, nakiisa ang ASICS sa pagdiriwang ng Healthcare Week ng St. Lukes Hospital, para maitaguyod ang responsibiladad at maipadama sa frontliners ang pagkalinga ng sambayanan.
Namahagi ang ASICS ng CARE shoes para sa mga doctor at medical staff sa Emergency Room ng St. Luke's Medical Center sa Global City. Mula sa dekalidad na material, ang CARE shoes ay isang ‘lightweight sneakers’ na angkop para sa mabilis na pagkilos ng mga medical personnel.
Walang katumbas ang kasiyahan at mga mensahe ng frontliners matapos matanggap ang kanilang CARE shoes na magagamit sa pang-araw araw na pakikibaka para maisalba ang marami nating kababayan.
Patuloy ang ayuda ng ASICS para masiguro na magagampanan ng mga frontliners ang kanilang gawain na nangangailangan ng mabilis na pagkilos.
Mula rito, asahan na magpapatuloy ang bayanihan #PassYourSmile.
Nakabase sa Kobe, Japan, ang ASICS ang nangungunang designer, manufacturer at retailer ng high-performance athletic footwear, apparel and accessories. Itinatag noong 1949 ni Kihachiro Onitsuka, nagmula sa salitang Latin ang ASICS na may kahulugan na ‘Anima Sana In Corpore Sano’ (“A Sound Mind in a Sound Body”). Mahigit 150 bansa ang sakop ng distribution ng kumpanya na gumagawa rin ng dekalidad na Onitsuka Tiger classic footwear at HAGLOFS brands.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.instagram.com/p/CAPW43LnsfM/?utm_source=ig_web_copy_link