SA gitna ng krisis na kinahaharap dulot ng COVID-19, patuloy ang paghahanda ng Makati FC sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan.

"As we wait and hope for things to get back to normal, Makati FC, together with our top coaches who have been dedicating their time, energy and knowledge, have carefully designed an online training course for our athletes," pahayag ni  SeLu Lozano, Makati FC CEO.

makati

Sa pamamagitan ng online training program, mapapanatili ng mga players at officials ang pagsasanay, gayundin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan para sa mapanatili ang pagiging kompetitibo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakasentro ang programa sa football skills sa pamamagitan ng online drills na nakatuon sa conditioning at strength program ng atleta.

“The MFC training is awesome and the coaches are super cool,” sambit ni Duke Punzalan, kabilang sa sumasailalim sa online workout.

"Thank you MFC for making this happen and for giving our boys the opportunity to continuously do what they love," pahayag ni  Denmark Punzalan, ama ni Duke.

Natigil ang pagsasanay ng mga atleta at coaches mula noong Marso 13 matapos ipagbawal ang mass gatheting batay sa panuntunan upang makaiwas sa COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, buksan ang Makati FC's Facebook page at Instagram account. @MakatiFC.