NAGSUMITE ang Philippine Sports Commission (PSC) ng rekomendasyon hinggil sa tinatawag na ‘reintroduction of outdoor physical activities’ sa Department of Health (DOH) bilang bahagi ng pagbibigay seguridad sa mga atleta at coaches na unti-unti na ring magbabalik sa kanilang pagsasanay habang patuloy ang pakikibaka ng pamahalaan sa COVID-19.
Ang naturang rekomendasyon ay naglalayong magbigay ng panibagong alituntunin upang maisguro ang kaligtasan at seguridad ng mga atleta sa gitna ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.
Tinawag na ‘Filipino Fitness and Recreational Sport-reintroduction Tool or Filipino First’ ang naturang panuntunan ay base sa pag-aaral ng Medical and Scientific Athlete Services ng PSC sa pangunguna ni Dr. Randy Molo.
“We know that sports and physical activities are still very important to strengthen one’s immune system during this COVID-19 health crisis,” pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Gayunman, may kalakip na kundisyon ang mga rekomendasyon na isinumite ng PSC sa bawat senaryo ng iba't ibang community quarantine at walang mga partikular na sports na tinukoy.
Ito ay pagtutugma lamang sa pahayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ang gobyerno ay gumagawa ng mas makabuluhang paraan upang payagan ang sports na muling magbalik kaakit ang pagsasaalang-alang ng physical distancing at pagsunod sa protocol.
“We are hopeful that the DOH and the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) will consider the recommendations submitted to provide a guide for our citizenry who are eager to engage on outdoor activities again," pahayag ni Ramirez.
“In the end we all need to follow the guidelines set by the IATF and the LGUs," aniya.
Nauna rito, kinansela ng PSC ang lahata ng mga sports event na nasa ilalim ng kanilang pamamahala kabilang na ang hosting ng 10th ASEAN Para Games, Philippine National Games (PNG), Philippine Youth Games-Batang Pinoy, at ang 2020 National Sports Summit, bilang pagsunod na rin sa alituntunin ng IATF upang mapigilan ang paglaganap ng naturang virus. ANNIE ABAD