HINDI lang pang isports, hataw din sa kawang-gawa.

Kabilang si ABS-CBN Sports+Action courtside reporter at host-entrepreneur Roxanne “Rox” Chan Montealegre sa mga indibidwal na nakipagtambalan sa mga mapagmalasakit na kababayan sa gitna ng pakikipaglaban ng sambayanan sa pandemic na COVID-19.

MONTEALEGRE

MONTEALEGRE

Sa tulong ng mga kaibigan at mga kasamang mananahi, isinulong ni Montealegre ang ‘fundraising’ para makapagpagawa ng Personal Protective Equipment (PPE) para magamit ng frontline health workers na todo ang sakripisyo para matugunan ang pangangailangan ng mga tinamaan ng naturang coronavirus.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kabilang sa mga tumugon sa naturang programa ni Montealegre ang kaibigan na si Brian Poe Llamanzares, at ang buthin nitong ina na si Senator Grace Poe. Ang grupo ni Montealegre ang nagtahi ng libo-libong PPE na ipinamahagi ni Poe, sa pamamagitan ni Brian sa iba’t-ibang ospital, kabilang ang National Center for Mental Health.

“I met Sen. Grace Poe before she entered politics and even then, she’s truly the kindest soul. Her team would always help out in providing support to kids,” pahayag ni Montealegre sa kanyang social media account.

Magka-batch sa Ateneo de Manila University sina Montealegre at Brian Poe.

“Thanks to suppliers like Ms. Roxanne Montealegre who converted her clothing production line into a PPE manufacturing factory, we are able to distribute high-quality, locally made suits as donations to hospitals,” pahayag ni Poe.

Bukod sa PPEs, nakapagbigay din ng ayuda si Poe sa komunidad sa pamamagitan ng 2,000 sakong bigas; 2,000 test kits; mahigit 20,000 face masks; at food packs para sa mga frontliners at mahihirap na pamilya na apektado ng naturang pandemic.