INATASAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga National Sports Associations (NSAs) na magsumite ng kani-kanilang policy guidelines sa gitna na pakikipaglaban ng pamahalaan sa COVID-19.

HANDA ang PSC sa pagbabalik ng mga atleta sa 'new normal'.

HANDA ang PSC sa pagbabalik ng mga atleta sa 'new normal'.

Ayon kay PSC Chief of Staff at National Training Director Marc Velasco, kailangan na magkaroon ng alituntunin ang bawat NSA depende sa magiging senaryo sa ilalim nang ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Nakabase ang guidelines batay sa kinalalagyang sitwasyon ng lungsod na sumasailalim ngayon sa  Enhanced Community Quarantine (ECQ), Modified ECQ (MECQ) at General CQ (GCQ).

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

"Basically, PSC formulated a direct bill on physical outdoor activities during the time of COVID-19," ayon kay Velasco.

Aniya, magsusumite ang PSC sa Inter-Agency Task Force (IATF) ng policy guidelines kung kaya’t hiningian din ng ahensiya ang mga NSAs ng kanilang mga guidelines.

Sa kasalukuyan, ang general guidelines lamang umano na kanilang naisumite sa IATF.

"So we are still waiting for the NSAs to submit ‘yung guidelines based on halimbawa ECQ, MRCQ and GCQ bago sila payahang magsagawa ng outdoor activities,” sambit ni Velasco.

Samantala, sinabi ni Velasco na bagama't marami na ang napauwing pasyente na pansamantalang nanuluyan sa Ninoy Aquino Stadium, wala pang pahayag ang DOH kung hanggang kailangan gagamitin ang mga pasilidad ng sports agency.

"Depende on how long the IATF would use our venues. But as of now, hindi pa talaga natin masasabi," ani Velasco. ANNIE ABAD