IKINALUGOD Philippine Sports Commission (PSC) ang desisyon ng Senado na ratipikahan ang pagtatatag ng National Academy of Sports sa bansa.

Ang National Academy of Sports ay isang programa na tutulong sa mga kabataan na matupad ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, habang nagsasanay bilang isang miyembro ng Philippine Team.

psc

Nagkakaisa ang Board ng PSC sa suporta ng Senado ang Kamara sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa sports, gayundin ang kasanayan para higit na maging kompetitibo.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

"Congratulations and thank you to both houses for the great work they have invested on this. Thank you for recognizing the important role of sports in national development thereby working towards providing opportunities for our talented and sports-inclined youth to hone their talents further earlier in their life," pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ganito rin ang naging saloobin ng PBA Legend at PSC Commissioner Ramon Fernandez.

"As a former athlete, the birth of the National Academy of Sports is indeed a welcome development. It’s like hitting two birds with one stone. Affording our youth quality education and world class sports training is indeed a very commendable move to say the least. I would like to thank our young sports minded legislators for finally for making this program a reality. This will definitely propel, prepare and encourage our athletes to compete creditably in the world stage," sambit ng tinaguriang El Presidente ng Philippine basketball.

Ayon naman sa nag-iisang babae sa pamunuan ng PSC na si Commissioner Celia Kiram, isa umano itong magandang daan upang makalikha ng mas marami pang mga dekalidad na  mga Filipinong atleta ang bansa.

"This will be an avenue for us to produce world class Filipino athletes.

Moreover, the athletes will also be academically adept while pursuing their dreams for sports excellence," ani Kiram.

Malaking tuling umano ng National Academy of Sports upang lalao pang pag-ibayuhin ng mga atleta ang kanilang galing sa mga sports, ayon naman kay Commissioner Charles Maxey.

"The National Academy of Sports will give Philippine sports the needed boost as this now provides a clear direction for student athletes not only in their quest for sporting excellence but also in academic field. With this high school, student athletes will be properly guided in their chosen disciplines aside from enjoying the luxury of training in a world-class facility. There is no doubt we can produce more Manny Pacquiaos, Paeng Nepomucenos or Lydia de Vegas, and many more future stars who will bring honor to our country," pahayag ng Davaoeno sportsman.

Isang positibong balita na dapat abangan ang ayon naman kay commissioner Arnold Agustin, na ayon sa kanya ay malaking tong para sa mg kabataan na nagnanais na matupad ang pangarap na maging atleta.

"I am happy to receive this news.  This gives everyone in the sporting community something positive to look forward to.  This move will greatly help our youth to bravely proceed to pursue their athletic dreams along with their academics," ayon kay Agustin. ANNIE ABAD