BILANG tugon sa pangangailangan ng mga atleta sa gitna ng epidemya, isinagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang webinar (online seminar).
Ito ay upang makatulong sa mga atleta na makaiwas sa stress, depresyon at kalungkutan. Tinawag itong “Keeping Mental Health In-Check: How to Deal Better with the Pandemic".
Ang nasabing online seminar na inorganisa ng Sports Psychology Unit na naglalayung turuan ang mga national team coaches at athletes na makasunod sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa at malampasan ang nasabing krisis.
“This is the best platform for the PSC to make sure that our national team coaches and athletes are mentally healthy during these challenging days,” pahayag ni PSC Chairman William Ramirez.
Sinabi ni Ramirez, na nag-aalala siya sa mga atleta at mga coaches sa maaring maging dulot sa kalusugan ng nasabing krisis.
“I worry about our athletes and coaches so I have been really pushing our medical team to actively monitor and assist them through the means that are available to us in this ECQ,” ayon pa sa PSC chief.
Ang PSC ang magsisilbing host para sa naturang webinar kasama sina Dr. Cely D. Magpantay at Dr. Rodel P. Canlas ng PSC-MSAS Sports Psychology Unit.
Ang nasabing programa ay suportado ng PSC's PAGCOR, Milo, at Pocari Sweat. ANNIE ABAD