WALANG patid ang ayuda ng Cement manufacturer Holcim Philippines, Inc. sa sambayanang Pinoy sa hangaring mapanatili ang kalusugan at matiyak na makaka-agapay ang komunidad sa paglaban sa COVID-19 sa kabila ng planong maibaba ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

IPINATAYO ng Holcim sa ilang komunidad sa Manila lababo para sa libreng panghuhugas ng mga kamay.

IPINATAYO ng Holcim sa ilang komunidad sa Manila ang  lababo para sa libreng panghuhugas ng mga kamay.

Kaagad na ipinasara ng kompanya ang pasilidad sa Luzon bilang pagtalima sa direktiba ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng ECQ nitong Marso 16. Itinigil din ang operasyon sa Davao City bilang bahagi rin ng paglaban ng local na pamahalaan  sa virus nitong Abril 2.

Sinabi ni Holcim Philippines President and CEO John Stull na kumpiyansa siya na mapagangalagaan ng kumpanya ang sambayanan batay na rin sa ipinatutupad ng programa sa gitna ng krisis hanggang sa posibleng pagtatapos nito sa hinaharap.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Binigyan halaga ng LafargeHolcim Group ang social distancing, personal hygiene at health checks sa kanilang mga programa.

“In Lugait, Misamis Oriental our plant continues to run without any Covid-related incident further proving that our strength in Health and Safety enables us to properly manage these risks. Lugait also provides a model on how we can protect the well-being of people when we restart operations of our other sites,” pahayag ni Stull.

“The company’s skeleton teams in all its sites have installed markers to guide people in staying two meters apart as prescribed for social distancing and built hand washing stations. Holcim Philippines also continues to share information to employees and partners on Covid-19 to help them be more aware and mindful on protecting themselves against the disease,” aniya.

Kaagad ding inilaan ng Holcim ang corporate citizenship budget para matugunan ang pangangailangan ng frontliners sa medical supplies bilang panlaban sa coronavirus, gayundin ang pagkain at hygiene products sa mga komunidad sa La Union, Bulacan, Manila, Batangas, Iloilo, Misamis Oriental at Davao City. Tinatayang 1,500 pamilya at government front line workers ang nakatanggap ng ayuda sa Holcim.